stream of consciousness part2

hay naku, as per usual, marami na naman akong tanong sa buhay kong ito. 

bakit b wala pang nakukuhang medal ang Pilipinas sa Asian games? may makukuha pa ba? bakit walang delegado ang Pilipinas sa basketball sa asian games?! bakit?! Saan ba makukulong si LCP daniel smith? ano na ang mangyayari kay nicole?  ano na ang mangyayari sa labanang anti- at pro- chacha? magkakaroon pa ba ng eleksyon? kailan ba ako makakapagpa-rehistro? bakit nakalimutan ni princess/jackie si ely ? bakit di bagay si bea na gumanap na socialite? bakit ang pangit ng delivery ni sam milby sa linyang "i never. said. thatiloveyou!" ?  bakit ba nag-away sina dawn at gretchen? bakit may gf sina erik santos, piolo pascual at paolo ballesteros? bakit ayoko nang mag-aral? bakit wala pa akong nasisimulan sa "thesis"/ undergraduate research project? bakit ayaw kong simulan? bakit ang bilis pero ang tagal ng panahon? "bakit baligtad magbasa ang mga PIlipino?" bakit hindi nangyayari sa totoong buhay ang mga pangyayari sa ‘il mare’?! bakit hindi ako yung babae? bakit di ko pa rin siya makalimutan? nasaan na siya? bakit hindi na nagpapakita ang ibang kaibigan ko? bakit ako lumalayo sa Kanya? natutulog ba ang Diyos? Virginia, meron ba talagang Santa Claus? ano nang nangyari sa papa ko? magkakabati pa ba kami ng mama ko? matitiis ba ng ina ang kanyang anak? habambuhay bang magiging sutil ang isang anak? ako? bakla ba talaga ang prof ko? mahal niya ba si _____? bakit ako nandito? bakit ako?

Leave a Reply